ANG SIKAT MO PRE.

Wednesday, December 29, 2010

FRUSTRATION NG BUHAY KO.

May ishe-share muna ako. Kasi gusto na lumabas sa maliit kung utak. So, eto nung elementary ako may nagkamaling magka-crush sa mukha ko. Yun inosente pa ako nun akala ko mabait talaga siya etc. Eh di ko talaga alam na crush niya ako.

Eh isang gabi may tumawag sa amin (eh may pagkastrict parents ko so kinabahan ako medyo lalo na’t ang papa ko yung nakasagot) so balik tayo may tumawag tapos hinahanap ako (lalake ang caller) tas binigay sa akin yung fone. Pero ang siste eh may dalawang fone kami sa bahay nung time na yun, wireless ang isa eh di nakinig si papa. Eto ang convo namin (sariwa pa talaga sa mind ko kasi ito na yung pinakaworst memory ko sa elemntary nagka-trauma pa nga yata ako nag dahil dito eh.)
me: hello?
caller: uhm, andyan si R(me)?
me: oh. ako na ito.
caller: i love you daw sabi ni (pangalan nung classmate ko na may crush sa akin) sabag bagsak…..toot toot toot
So pagkatapos nun ibinaba ko yung fone sabay tingin kay papa. Pero poker face siya. Di ko mabasa ano iniisip nya.

*nasabi ko na ba na wala mama ko nung time na yun? papa lang

Nang bumalik mama ko days after yata yun.Nalaman niya sinabi pala ng papa ko ayon inopen up sa akin sabi may boyfriend na ba daw ako  etc. Pinagalitan ako hanggang buto ang raming sinabi na ang bata ko pa raw para sa mga BF thing. Umiyak ako syempre kasi para sigurong nakakafrustrate lang dahil napagalitan ako para lang sa wala. Di ko naman yun kasalanan tas di pa pinakinggan ang side ko. shit talaga!. hays.
Nasabi ko na ba na kilala ko yung tumawag? YUNG GUY YUN sure ako kasi kilala ko yung boses. kinabukasan tinanong ko xa kung xa yung tumawag sa amin sabay sabi na “hindi”. So ang sarap sapakin. Talaga nga naman buhay!

*so simula nun parang isang year rin ako parang na trauma every may tumatawag sa amin tas ako ang hinahanap lalo na kung lalake. kainis.

so hanggang dito nalang. baboosh

No comments:

Post a Comment